Eksena sa Elvator

 

Kaya ko na pala sabi ng isang babae.

Alam mo yung feeling na kala mo di mo pa kaya kasi lagi mo syang
nakikita nakakasama, pero pag dumating yung time na di mo na sya
nakikita or nakakasama, after few weeks or days masasanay ka na
lang. Dun mo masasabi sa sarili mo na kaya ko na pala na wala sya.

ANG TANONG……..???
Pano kung dumating yung time na makita mo sya ulit, accidentally
magkita kayo, anong mararamdaman mo?

wait lang ma OOB ako
yan balik na tayo…

yung nga ano kaya gagawin mo?
yung feeling mo naka move on ka na, pero nung nakita mo sya ayan na
naman yung feelings.. yung feelings na gusto mo na makalimutan, yung
feelings na sana di mo na lang sya nakilala.

medyo avail ngayon, so medyo nakakapag isip ng mga bagay bagay.
wait may call ako 6:15 AM 7/8/2016

yan tapos na ako sa call ko 6:19 AM 7/8/2016,
sabi ng customer ko mali daw pinadalang part, pero mali naman
inorder nya, tapos di nya na daw babalik kasi mas mahal pa daw
gagastusin nya….

anyways balik tayo sa eksena sa elevator
Nangyari na rin sakin yung eksena sa elevator, pero di ako yung nag
vevent out sa elevator, yung nangyari lang kay ate..

So un nga kala ko ok na na ako, though may mga times na naiisip ko
sya, so masasabi ko pa rin di ako ok. Pero compare naman nung
naghiwalay kami masakit pa yun syempre fresh pa (parang tilapia sa
savemore).. Tapos lumipas ang mga araw, mga panahon, naging
Presidente si Duterte, madaming namatay na adik, tulak, independece
day ng Pilip wait may call6:25 AM 7/8/2016
yan tapos na 6:31 AM 7/8/2016 independence day ng Pilipinas at
Independence day ng U.S. Ang inaantay ko na lang kelan ang
independence day ko..

Yes! Independence Day ko, kasi di pa rin ako nakakalaya sa sakit ng
naidulot nung nahiwalay kami.

Dumating yung isang araw na di mo sya iniisip tapos biglang nag
vibrate phone mo pag tingin mo unknown number nakalagay tapos pag
open mo ng message [VIBER] wait may call6:34 AM 7/8/2016 \
nag hang p.c ko punyemas so nag restart pa ako ng p.c

balik tayo dun sa message sa VIBER..
yung pag open ko ng message pak name nya wait may call6:59 AM
7/8/2016 tapos na yung call ko..
yung nga pag open ko ng message ay pak [:)] ganern nakalagay para
sa mga di naka gets emoticon na smiley… syempre may picture nya
[kaya alam ko si ex yung nag message].. ang lolo nyo di magkanda
ugaga di alam yung gagawin. Di ko alam kung magrereply ba ako or
hindi, sabi ko na kasi mag papalit ako ng number tapos for some
reason di pa rin ako nagpalit [holding back pa kasi hahaha].. eh di ako
nakatiis so nag reply ako sabi ko bakit… wait may call ako 7:17 AM
7/8/2016, yan balik na ulit
tapos dun na nagsimula yung conversation usual thing kamustahan,
tawanan, dirty talks ng unti hahahaha.
tinanong ko sya kung kamusta na sila ng jowa nya, sabi nya
magbebreak na daw sila.. so bigla wait may call ako 7:26 AM
7/8/2016 yan balik na ulit

so naisip ko bigla ano teh fall back mo ko?!
medyo queing wait

So naisip ko na lang bigla bakit pa ako nagreply? Pwede naman hindi
db? so ibig sabihin may feelings pa din. sabagay ung kinabahan ako
nung nakita
wait may call ulit 7:42 AM 7/8/2016 ko ung picture nya that means to
say meron pa..

pero bakit ganon wala na yung dating kilig, i mean yung dating saya
kung pano ko sya kausapin, yung ngiting wagas. bakit wala na. Para na
lang ako nakikipag usap sa kalandian ko… [minsan lang ako lumandi],
disclaimer: NUNG KAMI PA NEVER AKO LUMANDI [para malinaw].
Naisip ko bigla siguro nga di ko na sya mahal? siguro hinanap ko na
lang ulit kung pano kami mag usap, at hindi ko na hinanap ung
“KAMI”. Siguro yung naramdaman kong kaba yung nakita ko ung
picture nya is yung kabang excitement kasi mag kakausap na naman
kayo.. Parang pamilya mo na nag abroad na, pauwi na at excited ka
kasi pauwi na sya at makakasama mo na ulit. Pero hindi yung kaba na
kasi baka bumalik yung feelings mo sa kanya. Mahirap i explain pero
hindi na katulad nung dati.
Sabi nga ng isang Dj sa radio “you never move on, you just get used to
pain”, well tama nga naman sya… nasasanay ka na lang sa mga bagay
na di mo nakasanayan, tulad ng pagkawala nya, nasanay akong di sya
kausap, no phone call every weekend night, no long hours of talked.
Syempre nung una mahirap hina hanap hanap mo sya. pero
pinipigilan mo kasi alam mo masasaktan ka lang pag di ka nagpigil
[sakit sa puson hahahahah].

Pero seryoso mga Pare di ko pa sure kung ok na ba ako or hindi basta
alam ko lang mag kausap pa din kami ngayon. Pero di na tulad ng dati.

Leave a comment