LARAWAN (MEMOIRS)

Headset is on Music Playing (TULOG NA).**

Hapon na! di pa din ako makatulog, kailangan ko matulog kasi may pasok pa ako mamayang gabi. Habang di ako makatulog nag browse ako ng phone ko, di ko alam sa kung anong dahilan kinalakal ko lahat ng laman ng folders ng phone ko. Been using the memory card for 4 years meron mga memories na naka store, meron din naman nabura, or binura ko na.

Habang kinakalkal ko yung mga files and folders na hook na naman ako sa lyrics
“Tulog
na hayaan na muna natin sila Mamaya
hindi, ka na nila kaya pang saktan Kung
matulog matulog, ka na”. So I keep on reminding myself na kailangan ko na matulog, then may isang hidden folder na nagtataka ako bakit sya nakatago sa loob ng apat (4) na folder. At ng pagbukas ko nung pang-apat na folder BOOM!!!!!!!!.

Nakita ko yung pictures naming dalawa, na sa putang inang dahilan di ko alam bakit nakatago yun don. So medyo nagulantang mundo ko, may kirot na naramdaman sa di ko malaman na dahilan bakit may sakit pa.(ENDING MAS LALO AKONG HINDI NAKATULOG KAKAISIP). So ako si tanga nag browse ng mga pictures na nandun (EH DI MAS MASAKIT DI BA?!). Nandun yung kayakap ko sya, katabi sa kama, magkaakbay, magkakiss, nakapikit, nakatawa, naka simangot.

 

Ewan bigla na lang bumalik lahat ultimo yung date at san kinunan yung pictures na yun, bumalik din yung sakit na di ko alam san nanggagaling. Sa sobrang nawala ako sarili ko tang ina lumabas ako nag paload tapos tinawagan ko ung number nya. Pero wala na nagpalit na sya ng number. So ginawa ko nag stalk ako sa social media (NA HINDI KO GINAGAWA) nya. And then reality hits me damn hard. Meron na syang bago di ko alam kung gano na sila katagal, basta nakita ko na lang “IN A RELATIONSHIP(T) WITH…..” So nasaktan ako ng matindi dun kasi nakanamputa di ko alam anong meron, halos isang taon na kaming hiwalay, kala ko ok na ako kala ko kaya ko na pag nakita ko sya. Pero hindi pa pala.

Hindi ko alam kung dapat ko ba maramdaman toh, kasi by this time dapat naka move on na ako. Sa dami ng nilandi ko sa dami ng nakilala ko pero at the end of the day hanggang dun lang, di ko alam bakit di ko pa din kaya pumasok sa isang relasyon, di ko alam kung takot ba ako ulit masaktan or baka kinukumpara ko pa rin sya sa mga nakikilala ko.

 

Tinawagan ko ang isang kaibigan, nagkwento ako syempre usual na response MUMURAHIN KA KASI DI KA PA DIN NAKAKAMOVE ON. Pero sabi nya lang sakin tama na masyado ko pinapahirapan sarili ko, so ako natahimik lang ako, di nag sisink in mga sinasabi nya sakin.

Siguro mga isa hanggang limang oras ko tinitignan ung mga larawan sa phone ko, then I decided na burahin na. Oo mahirap pero kailangan kong gawin para tuluyan na ako maka move on. Na trap ako sa isang dimensyon na di ko alam kung pano makaalis, na ang tanging paraan para lumabas, ay tanggapin ang katotohanan na masaya na sya sa iba.

Pero after I hit the delete button there’s a question that pops-up.

Are you sure you want to delete the items permanently?

You cannot undo this action.

1
Press delete and start to move on.

Ending pumasok ako ng walang tulog dahil sa pesteng phone ko.

Leave a comment